Wednesday, September 8, 2010

Redirection

Looking for updates of KarMa Kolektib, from UPLB? Go here, for now. Thanks.

INFO from the fb group:

"Itinatag ang KarMa Kolektib mula sa mga abo ng socio-cultural group na UPLB ibarang noong Human Rights Day sa ika-10 ng Disyembre 2006. Dito unang itinanghal ang unang shadowplay ng grupo sa cultural night ng UPLB Writers' club na pinamagatang Tanghal-Karapatan.

Mula sa pagiging performance art group na sinasapraktika ang lahat ng porma ng sining, muling niluwal ni Tilde Acuna ang KarMa Kolektib, na isinilang bilang isang grupo na nagkaroon ng pagtatangi sa sining-biswal at panitikan, nang may pakikisangkot sa mga makabuluhang pagkilos ng mga alagad ng sining para sa panlipunang pagbabago.

Naninindigan ang grupo na ang sining ay hindi lamang para sa sining, dahil may pinaglilingkuran itong interes. Samakatwid, maingat na sinusuri ng Karma Kolektib ang bawat akda o likhang-sining na isinasapubliko nito, dahil ito na ang tindig ng grupo sa partikular na mga issue.

Nakikipagtulungan din ito sa iba't ibang pangkulturang organisayson sa UPLB. Ilan sa mga nakasama na ng Kolektib ay ang UPLB Writers' Club, UP Painters' Club, UPLB Zoomout Multimedia Collective, KM64 poetry Collective, UPLB Kulayan at ang makatang si Axel Pinpin.

Sa kasalukuyan, ang Karma Kolektib ay lumilikha ng mga KSP (komiks sa pader), nagbebenta ng mga illustrated narrative (mga mala-komiks), nagpapasayaw ng mga anino at nakikialam sa anumang may kinalaman sa mga dibuho at mga titik."

INFO from the fb fanpage:

"Nag-alab ang Kartunista-Manunulat [Karma] Kolektib mula sa mga abo ng UPLB ibarang noong 2006. Ngayon, nagaatim itong palaganapin ang makasining at makabayang paglalakbay sa pamantasan sa Los Banos Laguna, na may lalaking walang saplot na nakadipa."